Hindi ko alam kung bakit mayroong taong ganito...Na ang tanging hangarin ay manglamang at manloko...
Sa lahat ba ng trabaho ay sadyang mayroon katulad niya?...
Isang epal na nang aangkin ng trabaho ng iba?...
Kung maganda ang kahihitnatnan inaangkin na sa kanya ito galing...
Ngunit ang totoo siya ay laging nagsisinungaling...
Ang palaging sinasabi na siya ay magaling...
Kagaya sa kwento siya ay si Matsing...
Sana naman kahit ugali lang sa kanya ang maganda...
Ngunit kahit ito ay pinagkait sa kanya...
Ang mukha ay kasing kapal tulad ng balbas...
Ang boses nakakarindi at sadyang balasubas...
O ang sarap na bala ay ibaon...
Sa kanyang ulo na tulad ng tuyot na balon...
Walang laman kaya walang silbi...
Sadyang kay dilim tulad ng kanyang budhi...
Ang tanging gusto tulad niya ay mawala...
Upang mundo ay muling sumaya at pumayapa...
Tanging kinatatakot siya ay magparami...
Lalong magkalat ng baho at kadiring dumi...
Tanging pag asa ay pagdating ng karma...
Upang kademonyohan ay matigil na...
Buong puso na umaasa na ito ay nalalapit...
Sana mumunting pagnanais hindi ipagkait...
No comments:
Post a Comment