Na nagbubunot ng buto umulan man o umaraw.
Dun sa bukid si lamok ay naroon din,
At likod ni kalabaw dumapo matapos liparin.
Si lamok sumipsip sa dugo ni kalabaw,
Na animo ay makapangyarihan dahil nasa ibabaw,
Hindi alintana kung siya ay nakakasakit,
Dahil sarili lang niya siyang may malasakit.
Ngunit nang hindi makatiis itong si kalabaw,
Buntot ay hinampas sa pesteng nakaibabaw,
Dahil mataas akala siya ay hindi maaabot,
Si lamok nadurog sa bigat ng buntot.
Ang inakala ni lamok na kapag mataas,
Sa lahat ng bagay siya ay ligtas,
Ngunit pagkakamali ang singil ay marahas,
Lalo na kung gumanti hirap ay dinanas.
Patapos na at palubog na ang araw,
Kahit pagod ay nanatiling nakatayo si kalabaw,
Panahon na upang siya ay umuwi,
At bukas ng umaga pagod ay mapapawi.