Sunday, October 18, 2015

Si Lamok At Kalabaw

Minsan sa bukid ay may kalabaw,
Na nagbubunot ng buto umulan man o umaraw.
Dun sa bukid si lamok ay naroon din,
At likod ni kalabaw dumapo matapos liparin.

Si lamok sumipsip sa dugo ni kalabaw,
Na animo ay makapangyarihan dahil nasa ibabaw,
Hindi alintana kung siya ay nakakasakit,
Dahil sarili lang niya siyang may malasakit.




Ngunit nang hindi makatiis itong si kalabaw,
Buntot ay hinampas sa pesteng nakaibabaw,
Dahil mataas akala siya ay hindi maaabot,
Si lamok nadurog sa bigat ng buntot.

Ang inakala ni lamok na kapag mataas,
Sa lahat ng bagay siya ay ligtas,
Ngunit pagkakamali ang singil ay marahas,
Lalo na kung gumanti hirap ay dinanas.

Patapos na at palubog na ang araw,
Kahit pagod ay nanatiling nakatayo si kalabaw,
Panahon na upang siya ay umuwi,
At bukas ng umaga pagod ay mapapawi.

Buhay Trabaho


Hindi ko alam kung bakit mayroong taong ganito...
Na ang tanging hangarin ay manglamang at manloko...
Sa lahat ba ng trabaho ay sadyang mayroon katulad niya?...
Isang epal na nang aangkin ng trabaho ng iba?...

Kung maganda ang kahihitnatnan inaangkin na sa kanya ito galing...
Ngunit ang totoo siya ay laging nagsisinungaling...
Ang palaging sinasabi na siya ay magaling...
Kagaya sa kwento siya ay si Matsing...

Sana naman kahit ugali lang sa kanya ang maganda...
Ngunit kahit ito ay pinagkait sa kanya...
Ang mukha ay kasing kapal tulad ng balbas...
Ang boses nakakarindi at sadyang balasubas...

O ang sarap na bala ay ibaon...
Sa kanyang ulo na tulad ng tuyot na balon...
Walang laman kaya walang silbi...
Sadyang kay dilim tulad ng kanyang budhi...

Ang tanging gusto tulad niya ay mawala...
Upang mundo ay muling sumaya at pumayapa...
Tanging kinatatakot siya ay magparami...
Lalong magkalat ng baho at kadiring dumi...

Tanging pag asa ay pagdating ng karma...
Upang kademonyohan ay matigil na...
Buong puso na umaasa na ito ay nalalapit...
Sana mumunting pagnanais hindi ipagkait...

Saturday, October 17, 2015

Huwad na Reyna



Gintong korona na yari sa tanso,
Nag aalala sa nasasakupan na parang totoo,
Utos ng reyna hindi dapat mabali,
Ngunit kailan ba naging tama ang mali.

Trono na ubod ng taas,
Tulad ng pangarap na pilit binabagtas,
O huwad na Reyna kahit sinong maapakan,
Basta ang nais dapat mapaglingkuran.

Saan napunta ang pagnanais na mabuti?
Kung mga tinuligsa ikaw na ay kasali,
Tapat na kawal kapag tumiwalag,
Matang malinaw ayaw lang mabulag.

Espada ng katotohanan kapag sumugat,
Lason nito tagos hanggang ugat,
Dapat iwasan ng mapagpanggap na maharlika,
Na ang kalooba'y talo ng dukha.